Local News

Regine Velasquez, Binanatan ang DU30 Govt Official dahil sa West Phil Sea!

Itong mga nagdaang araw ay naging laman ng balita ng ilang mainstream media ang pangunguha ng mga Chinese Fishermen ng mga yamang dagat mula sa Scarborough Shoal. May mga kababayan tayong umalma sa ginawa ng mga Tsino. Nagpaliwanag naman si Department of Foreign Afairs Secretary Teddy Locsin na hindi ito sapat na rason o dahilan para makipag-giyera ang ating bansa sa China.

Ayon sa DFA Secretary, naghain na ng reklamo ang ating bansa ukol dito at binibigyan na ng kaukulang pansin.

“I am not going down in history as a clam defender, okay? It’s a complaint; we’re looking into it; but these are just f–king food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market,” sabi ni Locsin sa kanyang socialmedia account

Hindi naman nagustuhan ng mang-aawit na si Regine Velasquez-Alcasid ang sinabi ng opisyal ng Duterte Administration. Ayon kay Regine, hindi lang daw ito basta usapin tungkol sa mga clams, kundi paninira daw ng mga Intsik sa ating teritoryo.

“Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip, These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!!” banat ni Regine.

Sinagot naman ni Locsin ang mga patutsada ni Regine at pinangaralan ang mang-aawit tungkol sa usapin ng teritoryo at ang tinatawag na exclusive economic zone (EEZ).

“Pero ang problem ay hindi po territorio natin yun. EEZ [exclusive economic zone].” resbak ni Locsin.

Ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid ay nangampanya para kay Noynoy Aquino noong 2010 Presidential Elections. Ang tatay naman ni Alcasid na si Herminio Alcasid Sr. ay naging appointee ni Noynoy bilang miyembro ng board of directors sa Philippine National Oil Co. Development and Management Corporation (PNOC).

Source: ABS | INQ | ABS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: