Local News

Rep. Marcoleta, Naghain ng Resolusyon para Imbestigahan ang Land Title ng ABS-CBN Headquarters!

Hindi pa tapos si Rep. Rodante Marcoleta (Sagip party-list) sa pag-iimbestiga sa ABS-CBN corporation. Naghain kasi ngayong araw ang kongresista ng resolusyon sa mababang kapulungan upang imbestigahan ang lupang kinatitirikan ng ABS-CBN headquarters sa Mother Ignacia Avenue sa Quezon City. Layon ng resolusyon na beripikahin ang pagiging tunay ng titulo ng lupa na iprinisinta ng Kapamilya network sa mga nagdaang pagdinig.

Ayon kay Marcoleta, may karapatan ang pamahalaan na kanselahin ang titulo ng lupa kung mapapatunayang kahina-hinala ang pinagmulan nito.

“It may also be inquired that if ABS-CBN’s title was indeed for ‘provisional reconstitution,’ it should explain why said administrative remedy was not even annotated in said owner’s duplicate title,” sabi ni Rep. Marcoleta.

Magugunita sa isang online meeting nina Rep. Marcoleta, Deputy Majority Leader Jesus Remulla (Cavite) at Rep. Michael Defensor (Anakalusugan party-list), lumutang ang usapin ng pagpataw ng multang aabot sa 2 trillion piso laban sa network. Isa rin sa napag-usapan ay ang posibleng pagkumpiska sa lupain ng Kapamilya network.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: