Local News

“Replace Cayetano” Provisional Franchise sa ABS-CBN, Kinontra ng Director General ng Film Academy Philippines Vivian Velez

Matapos pahintuin ng National Telecomunication Commission (NTC) ang pag-ere ng ABS-CBN, nagpasa ang kongreso ng panuakalang batas para bigyan ng provisional franchise ang Kapamilya network hanggang Oktubre 2020.

Ang hakbang na ito ng mababang kapulungan ay kinontra ni Film Academy of the Philippines (FAP) Director General Vivian Velez.

Sa kanyang serye ng social media post, tinawag ni Velez na illegal ang ginawa ng kkongreso at dapat na raw buwagin ang nasabing kaulungan.

“Congress orividing ABS-CBN provisional franchise is illegal. Abolish congress. You don’t give a pep talk to rally people behind you, then buckle down in the end. Keep your word,” banat ni Velez.

Sa hiwalay pang social media post, ipinahayag ni Velez na gusto niyang palitan si Cayetano bilang pinuno ng kongreso.

“Congress violated Article VI Section 26. (2) of the Constitution in ‘rushing’ ABS-CBN franchise #ReplaceCayetano,” patutsada pa ni Velez.

May pahabol na banat din si Velez sa mga kongresista. Ayon sa aktress, tila may dalawang uri daw ng batas, isa ay para sa ordinaryong Pilipino at ang isa daw ay sa mga mayayaman.

“Tongress Republic: There are 2 sets of laws; one, for the regular citizens & another for the “ruling class”, the oligarchy,” saad ng Director General ng FAP.

Ang reaksyon na ito ni Velez ukol sa ABS-CBN franchise issue ay halos parehas sa naging tugon ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza. Para kay Sonza, parang magnanakaw daw ang naging hakbang ng mga kongresista para maipasa ang panukalang batas. Sinopla din ni Sonza si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang mga kasamahang kongresista nito.

“Like a thief in broad daylight, a Bill passed the House without public hearing.

wanton display of stupidity by Cayetano, et al,” birada ni Sonza.

“The House of the 18th Congress made a mockery of itself by passing a provisional franchise in favor of “the pass away network,” dagdag pa ni Sonza.

Source: News5 | Vivian Velez | Vivian Velez | a href=”https://www.facebook.com/t2j.sonza/posts/3278333615519370″>Jay Sonza | Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: