Local News

Reporter, Nasupalpal ni PNP Chief Albayalde sa Isyu kay Bikoy!

Halatang nainis si Philippine National Police Chief Oscar Abbayalde sa paraan ng pagtatanong ng isang reporter sa press conference ng PNP kahapon kung saan lumantad si Peter Joemel “Bikoy” Advincula para ituro kung sino ang mga taong nasa likod ng paggawa ng mapanirang video series na yumuyurak sa pagkatao ng mga kaanak ni Pangulong Rodrigo DUterte sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga ito sa kalakalan ng bawal na gamot.

Sinubukan ikumpara ng mamamahayag ang paglantad ni Advincula sa pasilidad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa press conference na ginawa sa Head Quarters ng PNP sa Camp Crame.

Sinabi pa ng reporter kay Albayalde ang naging pahayag ni Solicitor General Jose Calida sa IBP na maging “apolitical” at huwag ipagamit ang pasilidad ng organisasyon para sa mga political propaganda.

Ang mga pinagsasabi ng reporter ay agad sinagot ni Albayalde.

“What is political on this?! Tell me! Ang nagsalita dun, hindi kami. We are a police officer! He’s asking for a custody! Nag surrender po siya sa amin! This is not a political exercise! This is part of freedom of speech of anybody! This is part of democracy,”

Banat pa ni Albayalde, iimbestigahan pa rin daw nila si Advincula.

“Siya po ang nagsabi non, hindi kami. So let him prove his statements.. that is part of his statement, not ours. Wala kaming sinasabi sa kanya at hindi namin siya tinuruan whatsoever, unlike nung sinabi niya na tinuruan siya before,” resbak ng pinuno ng kapulisan.

Kung sakaling burahin ng uploader ang video, ito po ang full video mula mismo sa PNP. Kung gusto niyo agad mapakinggan ang banat ni PNP Chief Albayalde, lumaktaw lang sa 15:23 parte ng video.

Source: PNP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: