Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

‘Respetuhin dapat ng Magulang ang Desisyon ng Anak sa Pagsali sa Leftist Groups’- Ex-Bayan Muna Rep. Casiño

Sa panayam sa Dobol B sa News TV, sinabi ni former Bayan Muna party-list Representative Teddy Casiño na hindi naman daw agad nagiging miyembro ng New People’s Army ang mga kabataang sumasanib sa mga makakaliwang grupo tulad ng Anakbayan.

“Malinaw sa mga charters ng mga ‘yan ay ang nire-recruit nila ay mga kasapian nila para ipaglaban ang iba’t ibang isyung pang-estudyante at pambayan. Ngayon, if it so happens na ‘yung ilang kasapian nila ay nagdesisyon na magrebelde at mamundok, ibang usapin ‘yun,” sabi ni Casiño.

Ito ang naging pahayag ni Casiño, ilang araw matapos ang pagdinig sa senado patungkol sa mga kabataang nawawala nang sumanid sa grupong Anakbayan.

Ayon kay Casiño, kahit daw magalit ang magulang ay ipaliwanag daw dapat ng anak kung bakit ito sumasali sa makakaliwang grupo.

“Kahit hindi mag-agree ‘yung magulang, kahit magalit ‘yung magulang, ang importante alam nila ‘yung ginagawa mo, ‘yung mga activities mo, nagpapaliwanag ka. Whether they agree or not, ibang usapan ‘yun,” boladas pa ni Casiño

Para pa kay Casiño, dapat daw respetuhin ng magulang ang desisyon ng mga anak.

“Nag-engage din tayo sa dialogue. Huwag natin tignan na brainwashed sila, sila ay walang sariling isip, sila ay ginagamit. Matatalino ‘yang mga yan. Tignan natin na ‘yung pinipili nila ay labas sa sarili nilang interes and that is a good thing,” dagdag ni Casiño.

Magugunita na sinabi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nakaka-alrma na daw ang dami ng mga menor de edad na ni-recruit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army. Ayon sa Senador, pumalo na raw sa 513 na menor de edad ang na-neutralized nitong nagdaang 20 taon.

“Alarming in the sense na mga menor de edad ito na dapat nag-aaral. Bakit andun sa kalsada? Nabe-brainwash, pino-poison ang utak nitong mga makakaliwa para lumaban sa gobyerno. Very alarming ‘yan,” sabi ni Senador Bato.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén