Local News

Panoorin: REVOLUTIONARY GOVERNMENT, Inilutang ni DU30 upang Maitama ang Mali!

Sa kanyang talumpati sa MASS OATH-TAKING ng mga bagong talagang UNIFORMED PERSONNEL ng BUREAU OF FIRE PROTECTION (BFP), BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY (BJMP), at PHILIPPINE COAST GUARD (PCG), muling inungkat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pantungkol sa revolutionary government.

Pinayuhan niya ang militar na kung sakaling hindi niya matapos ang termino niya ay dapat mag revolutionary government ang mga ito upang maitama ang lahat.

“I said if I do not make it. Huwag ninyong bitawan ito. I’m not saying you initiate something like coup d‟état. Huwag kasi hindi na ‘yan tanggap ng Pilipino ‘yan eh. If you want an outright, huwag martial law. Mag-revolutionary government ka na lang. Diretso na. Tapos you start to correct everything,” banat ni Pangulong Duterte.

Iningkat ni Pangulong Duterte ang revolutionary government habang tinatalakay ang isyu tungkol sa tagilid na kontrata ng gobyerno sa mga water concessionaires.

” Ayaw ninyo? O sige. Gusto ninyo daanin sa… Then I will suspend this writ of habeas corpus at hihilain ko kayo. Widespread economic sabotage. Ayaw ninyong pumunta dito? Gusto ko magharap silang lahat dito sa akin.

Isa-isahin ko sila. Ang abugado ng mga p***** i** gumawa ng kontrata. Sino ‘yung mga opisyal ng MWSS noon? Tanungin ko sila. What the f*** did you do and screwed the country? Ngayon, ‘pag hindi ako ma-satisfy, I will expropriate everything. Kunin ko lahat.

Magdemanda ka nang magdemanda. Tutal dalawang taon lang naman tapos wala na ako. Anong idemanda sa akin? Sabihin ko ‘yang Coast Guard o. Iyan ang idemanda ninyo. Sabi ko, “‘Yan ang nagbulong sa akin na ganun ang gawin, ganito, ganyan, ganyan, ganyan.” Ipasa ko sa inyo. sabi ni Pangulong Duterte.

Nitong umpisa ng buwan ay ibinunyag ni Pangulong Duterte ang kontrata ng mga nakaraang gobyerno sa Maynilad at Manila Water. Inilarawan ni Pangulong Duterte ang kontrata na “dehado” para sa taumbayan at pamahalaan.

Source: RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén