Local News

Ribbon Cutting Para sa Modular Hospital, Binatikos ni Senator Nancy Binay!

Pinuna ni Senator Nancy Binay ang isinagawang ribbon cutting bilang bahagi ng inagurasyon ng Quezon Institute Offsite Modular Hospital na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang nasabing pasilidad ay may 110 bed capacity na maaaring tumanggap ng mga severe to critical c0v1d patients. Itinayo rin dito ang 2 offsite dormitories para sa mga medical frontliners na tututok sa mga pasyente.

Ayon kay Binay, hindi na umano kailangan pa ang nasabing ribbon-cutting lalo na at mahalaga umano ang oras para sa mga pamilya ng mga pasyenteng may c0v1d.

“Pakiusap kung pwede buksan na lang para magamit agad. Sayang lang ang oras sa ribbon cutting at photo ops,” saad ni Binay sa kanyang tweet.

“These things are unnecessary and leave a bad taste for families of c0v1d patients who are racing against life and time,” dagdag pa ng Senadora.

Gumamit pa ng mga hashtags na #TimeIsOfTheEssence at #BawalDinAngMassGathering.si Senator Binay upang bigyang-diin ang kanyang opinyon.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing inagurasyon sina Senator Bong Go, Health Secretary Francisco Duque III, Public Works Secretary Mark Villar, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., at testing czar Vince Dizon.

Ang nabanggit na pasilidad ay nasa ilalim ng operasyon ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center, at magsisimula umanong tumanggap ng mga pasyente sa pamamagitan ng One Hospital Command Center. Hindi umano ito tatanggap ng mga pasyenteng walk-in.

Samantala, ayon naman kay Treatment czar Health Undersecretary Leopoldo Vega, maliban umano sa pinasinayaang modular hospital, may mga plano rin umanong magtayo ng katulad na pasilidad sa Lung Center of the Philippines.

Magkahalong reaksiyon naman ang iniwan ng nasabing isyu sa mga netizens. May mga nagsasabing hindi umano masama ang nasabing ribbon cutting dahil ito raw ay simbulo na tumutugon ang pamahalaan sa suliraning kinakaharap ng bansa kaugnay ng c0v1d. Mayroon din namang sumasang-ayon kay Binay na dapat na lang umanong gugulin ang oras sa mas makabuluhang bagay kaysa sa mga ganitong seremonya.

Ikaw, ano ang opinyon mo ukol dito?

Source:
GMA News
PTV News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén