Local News

Rider, Nandakma ng Dede ng Buntis na Naglalakad!

Halos mapaanak ng di oras ang isang gnang na siyam na buwang nagdadalaang tao dahil sa pambabastos sa kaniya ng isang rider sa lungsod ng Taguig.

Makikita sa cctv footage na naglalakad ang babae na kabibili lang ng pandesal nang biglang huminto ang rider sa harap niya para kausapin siya.

“This man approached me, kita sa vid para daw mag tanong kung saan yung address na sinabe nya, syempre kala it delivery guy sya kaya sabi ko ‘kuya di ko alam eh, pero baka doon or doon pero nasa tamang street kayo,” sabi ng ginang.

Laking gulat na lang daw ng biglang dakmain ng rider ang kaniyang hinaharap.

“I didn’t even finished what I’m saying kasi bigla nyang dinakma yung dede ko… I’m horrified. Sino nasa tamang katinuan ang manggo-grope sa umaga at sa buntis pa?… Napakalakas naman ng loob mo kuya para mang GROPE ng buntis?! Gaano ka ba kalibog sa ganong oras? ALASAIS NG UMAGA? Grabe trauma ang inabot ko sayo. Kung may asawa at anak ka man, NAPAKASAHOL MO… Tbh, nung nangyare yan pagkauwi ko iyak lang ako ng iyak. Na para bang nandon padin yung kamay nya. It’s not easy. That feeling triggered me and I almost gave birth,” dagdag pa ng biktima.

Napansin din daw ng buntis na namumula ang mga mata ng suspek kaya sobra ang naging takot niya.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: