Local News

Rider, Walang-awang Sinapok-sapok ng Lalaking De-Kotse!

Isang away sa kalsada ang nasaksihan at nakuhanan ng kababayan natin sa kanyang cellphone. Ang insidente ay nangyari umano nitong Lunes ng tanghali sa may Roasario Bridge sa Pasig City.

Mapapanood sa video na dinuro-duro muna ng lalaking naka-kotse ang rider at pagkatapos ay saka niya sinapok-sapok ang kapwa motorista dahilan kaya natumba ito. Agad naman tinakasan ng suspek ang kanyang biktima.

Habang sinusulat ang blog post na ito ay pumalo na sa lagpas 15,000 ang nagbahagi ng video sa social media at libo-libo na rin ang nagbigay ng reaksyon dito. Umabot na rin sa daan-daan ang mga nagkomento sa insidente.

“Nasan na ang mga blue boys na magaling manghuli jan. Pasig Municipality Nawala lang ung ticketing system nyo na may quota quota, tinamad na ata mga blue boys pumwesto. Sana may cctv footage sa area.”

“Magkakasunod kami 3 bigla nag bbreak ung Hyundai sa harap ng ilang beses at iniipit ung motor sa likod nya. Pati kami naiipit sa pag aangas nitong Hyundai. Grabe tong driver na to.. ang tapang wala kasing plaka. Kawawa ung rider ng motor. “

“Hit and run wala mga mmda sa kalsada. Ang laki ng damage nung motor na tinulak nya. “

“Kuya rider baka sakali umabot sayo ito. Pra may pweba ka sa gnwa ng maangas na Hyundai na yan sayo.”

“Please help and share this post pra mabgyan hustisya si kuya rider.” sabi ng original uploader ng nasabing video.

Dahil sa ginawa ng suspek, naligo ito ng batikos mula sa mga netizens.

“Gagawa (dapat) ang Kongreso ng Batas para sa gagawa ng kaguluhan sa Pampublikong lugar ay magmumulta na di bababa sa 100k hanggang 500k kahit manapok ka lang na away trapiko multa ka dipende sa laki ng pinsala sa tao o property,” sabi ni E. Ecleo.

“Manununtok tpos tatago sa kotse gunggong ka! Duwag kang bakl* ka!!!! gawin mo samin yan kundi mo mkita sarili mo sa kabaong!,” sabi ni L. Cabana.

Source: Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén