Local News

Risa, Sinisi ang DU30 Govt sa Passport Issue! Supalpal ang inabot kay DFA Sec. Locsin!

Sa isang pahayag sinisi ni Senadora Risa Hontiveros ang gobyerno ni Pangulong Duterte patungkol sa passport data issue. Ayon sa senadora, “gross incompetence” daw ang ginawa ng kasalukuyang pamahalaan pagdating sa pagprotekta sa pribadong datos ng mga tao. Matatandaang pumutok ang isyu ng pagtangay ng passport data ng dating outsourced passport maker nang ibunyag ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr.

“The recent admission that a privately contracted firm took the entire physical database of all of the country’s passport holders indicates a serious national security risk, and is evidence of the Duterte government’s gross incompetence in protecting the people’s private data,” sabi ni Hontiveros.

Sa isang tweet, sinagot ni Secretary Locsin ang mga boladas ni Hontiveros at sinabing hindi nangyari ang isyu sa passport sa ilalim ng Duterte Government.

Sa mga serye ng tweets, sinisi ni Secretary Locsin ang mga dilawan at ang mga dati pang administrasyon patungkol sa sigalot sa passport data.

Sa panayam noon ng media kay dating foreign affairs secretary Allan Peter Cayetano, nilinaw ng dating kalihim ang problemang kinahaharap ng DFA.

Source: SFA Teddy Locsin | INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén