Local News

Robin Padilla, Magsusundalo na para sa Inangbayan!

Sa kanyang social media account, idineklara ng aktor at tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Robin Padilla ang kanyang hangaring sumali sa Philippine Army.

Inanunsyo ito ni Padilla sa parehas na araw kung kailan sinertipikahan ni Pangulong Duterte na madaliin ang panukalang batas para gawin mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa mga senior highschool students.

“Mga kabataang Pilipino, sasamahan ko kayo mula umpisa hanggang sa huli. Papasok ako sa Philippine Army Reserve para sa inyo upang masundan ko ang bawat ninyong hakbang tungo sa kabayanihan,” sabi ni Padilla.

Naniniwala din si Padilla na hindi pababayaan ng Pangulo at ng mga sundalo ang mga kabataan.

“Hindi tayo iiwan ng AFP at ni Mayor PRRD mga mahal na kabataan kaya’t tayo’y tumindig at bumangon ng nakataas ang dibdib at nakataas ang mga noo para sa Dios! Para sa Inangbayan! Para sa kapwa Pilipino,” dagdag pa ni Padilla.

Isunusulong ni Presidente Duterte ang panunumbalik ng ROTC para maturuan ang mga kabataan na mahalin ang bayan at para maihanda rin sa pagdepensa sa Pilipinas kung sakaling magkaroon ng digmaan.

Source: ABS-CBN | Robin Padilla’s Instagram

Leave a Reply

Theme by Anders Norén