Local News

Robin Padilla, Nagalit at Sinupalpal ang mga Anti-DU30 at Oposisyon!

Sa isang video, hindi napigilan ng aktor na si Robion Padilla na banatan ang mga pumupuna sa pagpunta ng mga kaibigan niya sa Russia kasama ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Magugunita na may ilang mainstream media ang nag-ulat tungkol sa pagtungo nila Cesar Montano, Philip Salvador at Moymoy sa Russia.

Buwelta ni Padilla may pera silang mga artista at kaya nilang gastusan ang kanilang pagbiyahe sa ibayong-dagat.

“Ayaw ko talaga pero kailangan ko ipagtanggol ang mga kaibigan ko. Binabanatan niyo si Kuya Ipe, Cesar Montano at Moymoy kung bakit sila nasa Russia. At kung sasabihin ng mga bumabatikos na ito na itong mga kaibigan ko ay inilibre ng pamasahe. Hindi ho toto iyan! Kami ang bumibili ng pamasahe namin. Ang mga hotel namin, ang nagbabayad niyan kami. Mukha ba kaming walang pera? Pambihira kayo? May pera kami at ang mga pera namin ay gift sa amin ng mga tao na sumusuporta sa amin,” resbak ni Padilla sa mga bashers ng kanyang mga kaibigan.

Nilinaw din ni Padilla na hindi sila sumasama sa lahat ng lakad ng mga opisyal ng gobyerno kapag nasa abroad.

“At kung pumupunta kami sa abroad na kasama namin ang mahal na Pangulo, si SBG (Senator Bong Go), at mga gabinete, hindi kami nakikisama sa kanila, sa kainan nila. Walang kahit sinong politiko na tinatanggapan namin ng pera,” saad pa ng aktor.

Pinaliwanag din ni Padilla na isa sa mga rason kung bakit sila sumasama sa Pangulong Duterte sa ibang bansa ay para pasayahin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

“Nagpupunta kami at sumasama kami sa Presidente dahil para sa mga Pilipino. ‘Yung mga Pilipinong nandoon ay ine-entertain namin ng walang bayad.” ani Padilla.

Ang paliwanag ni Padilla ay tugma sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“The government did not spend for their fare and hotel accommodations… With regard to the showbiz people who are here, as far as I know, when they entertain the Filipino community while waiting for the arrival of the President, they are not paid. They have been doing that during the presidential campaign. They just happen to be genuine and rabid fans of [President Duterte].” ayon kay Panelo.

Source: Ipe Salvador | ABS-CBN | Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén