Local News

Robin Padilla, Niresbakan ang mga Kritiko ni PDU30 tungkol sa Banggaan sa Dagat!

“Mahirap ho diyan nagmamatapang tayo at idadamay natin ang buong bayan. Wala namang namatay don sa ating mga kababayan. ,”

Bumuwelta ang beteranong aktor na si Robin Padilla sa mga pumupuna sa naging hakbang ng gobyerno patungkol sa insidente ng banggaan ng sasakyan pandagat ng mga Pilipino at Tsino sa West Philippine Sea. Ayon sa aktor, hindi na dapat palakihin ang isyu at hinamon din nito ang mga kritiko ng Pangulo na atakihin ang Tsina para patunayan na sila ay matapang.

“Huwag na lang ho nating palakihin. Siguro katulad ho ng sinasabi ko nung araw, kung sino ang matatapang eh sila na lang ang pumunta dun. Huwag na nating idamay pa ang Armed Forces, ‘yung Pilipinas. Sarili na lang niyong sikap. Kung talagang matapang kayo eh ‘di patunayan niyo dun,” sabi ni Padilla.

Ipinahayag din ni Padilla ang kanyang suporta at tiwala sa naging aksyon ng Presidente tungkol sa nangyaring sigalot.

“Sa sitwasyon ho natin ngayon kailangan eh utak muna ang nakikipaglaban at magaling diyan ang President natin. At alam din ho ‘yan ng China. Kumbaga, nakikipag-chess ho ngayon yung ating Pangulo sa president [ng China],” ani Padilla.

Hindi rin tinatawaran ni Padilla ang lakas ng loob ng mga Pilipino pero kailangan daw harapin ng mga kababayan natina ng reyalidad at lohika.

“Kung patapangan po ang laban, hindi ho tayo puwedeng magpatalo diyan, dahil matapang ang Pilipino. Pero ang Pilipino, hindi naman tanga. Pagpapraktisan lang ho tayo diyan. Gusto niyo ho ba yun? ‘Yung ating bayan, e, pagpraktisan lang ng missile nila… Naku naman, sa tingin niyo ho ba tatagal ang Pilipinas? Minsan ang katapangan ibabalik sa logic. Kailangan meron po tayong logic. Pag sinasabing logic, ‘yung nasa katotohanan tayo. ‘Yun nga po ang ating message, at si Pangulong Rodrigo Duterte, naging malamig ang kanyang ulo,” dagdag pa ng aktor.

Source: ABS-CBN | Robin Padilla

Leave a Reply

Theme by Anders Norén