Local News

Rockstar na Bumanat kay PDU30, TAX EVADER pala!

Ngayong Disyembre ay nagtungo sa ating bansa ang Irish rockband na U2 para magsagawa ng konsiyerto. Naging laman ng balita ang lead singer nito na si Bono matapos mag-komento tungkol sa kawalan nito ng plano na makita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang pagtalakay nito sa human rights.

“I’ve no plans… President Duterte is very popular, he doesn’t need me on his side… I am a member of Amnesty International, I have been all my life, and I think human rights is critical. My impression of the Philippines is very caring, very sophisticated people. I understand that when progress is made, sometimes people make what they think are compromises for that progress… And I would say, you can’t compromise on human rights. That’s my soft message to President Duterte,” sabi ni Bono.

Sa konsiyerto ng U2 kagabi sa Philippine Arena sa Bulacan, inialay nila ang kanilang kantang “Ultraviolet” sa mga kababaihan na “nagbago ng kasaysayan”. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng litrato ng mga personalidad sa background entablado. Isa sa pinuri ni Bono ay si Maria Ressa ng Rappler.

“Women who light up history, your own Maria Ressa is an incredible woman… But…even Maria will say it’s not about individuals. It’s about collective action. It’s about social movement, so that all of you will grow up to be the President or Maria Ressa.,” boladas ni Bono.

Ang mga komento ni Bono at ang ipinakita nila sa kanilang konsiyerto ay hindi pinalampas ng mga sumusuporta kay Pangulong Duterte.

Ang mga komento ni Bono at ang ipinakita nila sa kanilang konsiyerto ay hindi pinalampas ng mga sumusuporta kay Pangulong Duterte.

Nahalungkat ang kasaysayan ni Bono sa pagiging tax evader. Sa pamamagitan ng paggamit sa search engine na Google, lumalabas ang ilang artikulo tungkol sa isyu ng foreign singer sa tax evasion. Si Ressa ng Rappler ay nahaharap naman sa kasong tax evasion sa Pilipinas.

“BIRDS OF A FEATHER ALLEGEDLY (para safe) EVADE TAX TOGETHER. Petty ako di ba? Ni research ko talaga ang pagiging tax evader ni Bono haha. Minister of Revenge, at your service. Kaya pala. EVADE EVADE EVADE FOREVERMORE,” banat ng Manila Bulletin lifestyle writer na si Krizette Laureta Chu.

“Dear Bono/U2, When you say “Be like Maria Ressa,” are you saying we should evade paying our taxes? Just like you?,” buwelta naman ng radio host na si Mark Lopez.

Source: DW | The Guardian | New York Post | GMA News | Mark Lopez | Krizette Laureta Chu

Leave a Reply