Local News

Panoorin: Russia, Handa na Magtayo ng Weapons Production Facility sa Pinas!

“We already started working on that.”

Ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev, handa na raw ang Russia na magtayo ng production facility ng mga armas sa Pilipinas. Ang plano ay idadaan sa konsultasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“We are ready to organize a joint production of sophisticated arms and small weapons here in the Philippines. You Filipinos will produce Russian arms and weapons. They will be Philippine products with Russian technology,” pagbubunyag ni Khovaev sa isang media briefing.

Hindi pa ibinunyag kung anong klaseng armas ang ipo-produce sa bansa pero inilarawan niya ang mga baril na advanced small arms and light weapons. Kung magkakaroon ng go-signal ang kasunduan, magiging exporter ang Pilipinas ng mga advanced small arms and light weapons sa kauna-unanghang pagkakataon sa kasaysayan.

“I can only express my hope that it can be done as soon as possible. Both sides are committed to open new horizons of our defense cooperation and one of these horizons is the joint production, joint manufacturing of arms and weapons on Philippine soil,” sabi pa ni Khovaev.

Nang umupo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Presidente noong 2016, ideneklara nito ang tatahaking bagong independent Foreign Policy ng Pilipinas. Ang resulta nito ay ang mainit na uganayan sa China at Russia, mga karibal ng Estados Unidos.

Magugunita na noong 2016 ay ipinahinto ng Amerika ang pagbebenta ng mga baril sa Philippine Nationsl Police (PNP) dahil sa diumano’y na human rights violations sa pagpapatupad ng war on drugs ng gobyerno.

Maaring bigyan ng sanction ng Amerika ang Pilipinas dahil sa paikipag-ugnayan sa mga Russian Defense Contractors pero minaliit ito ni Ambassador Khovaev.

“No third country has the right to interfere in our defense cooperation… Our defense cooperation is not against anyone… Your traditional partners have no right to be jealous,” sabi pa ni Khovaev.

Naririto naman po ang ulat mula sa People’s Television (PTV).

Source: GMA News | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén