Lotto Result

“Sa Kikiam Isyu, ang ingay ng mga Hinayupak. Pero sa P10 Billion Water Issue Quiet sila!” – Int’l Trader

Nakatikim ng banat ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa international trader at pro-government blogger na si MJ QUiambao Reyes. Sa kanyang social media post, pinuna nito ang pag-iingay ng mga kritiko noong pumutok ang isyu sa Southeast Asian (SEA) Games tungkol sa kikiam na inihain umano sa mga atleta pero tila nanahimik ang mga ito sa isyu ng tagilid na kontrata ng gobyerno sa mga water companies.

“Sa isyu ng kikiam, ang iingay ng mga hinayupak! Sa isyu ng tubig at bilyones na charges, ang quiet!” banat ni Reyes.

Kalaunan ay napag-alaman na hindi pala kikiam kundi chicken sausage ang inihain sa mga manlalaro.

Halos parehas din ang napansin ng lifestlye writer at blogger na si Krizette Laureta Chu. Sa kanyang social media account, binatikos niya ang mga pumuna sa P50 SEA Games cauldron pero nananahimik din tungkol sa P10 billion water concessionaires issue.

“Mas importante pa pala sa inyo ang P50 million cauldron kesa sa P10 billion water fine. P10 billion for WATER. That they didn’t create. Where’s your outrage?” buwelta ni Chu.

Kamakailan lang ay binulgar ni Pangulong Duterte ang tungkol sa dehadong kontrata sa pagitan ng nakaraang administrasyon at ng mga water concessionaires. Ayon sa Presidente, tagilid ang pamahalaan at ang taumbayan sa nasabing kontrata.

Dahil sa nasabing kontrata naglabas ng hatol ang Singapore Court of Arbitration at pinagbabayad ang pamahalaan ng Pilipinas ng danyos na aabot sa P7.39 billion dahil umano sa lugi ng Manila Water noong hindi pinayagan ng gobyerno na magtaas ng singil sa tubig. P3.4 billion danyos naman ang dapat daw na matanggap ng Maynilad sa hiwalay na hatol ng Singapore Court of Arbitration.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong Duterte na kakasuhan niya ang mga water companies at mga politiko na pumirma sa naturang kontrata.

Source: MJ Quiambao Reyes | Krizette Laureta Chu | Inquirer| ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén