Local News

Pasyente, Gumaling Agad sa Coronavirus sa Loob lang ng 2 Araw! Pambihirang Gamot, Nagawa na nga ba?

Isang Tsino na may sakit na novel coronavirus ang bumuti ang pakiramdam sa loob lamangng 48 oras o 2 araw. Nangyari ito matapos gumamit ang medical team ng anti-viral drugs na para sa HIV at Influenza.

Ang bagong kaganapan na ito ay sinabi ni Dr. Kriangsak Attipornwanich sa mga reporters sa isang press briefing ng Public Health Ministry. Ayon sa doctor, matapos daw nila gamitan ng nasabing gamot ay nag negatibo na sa coronavirus ang pasyente. Si Attipornwanich ay doctor sa government owned Rajavithi Hospital.

Ang bansang Thailand ay isa sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng coronavirus. Umabot na sa 19 na kaso ang naitala sa kanilang bansa. 11 dito ay nasa ospital pa rin habang ang iba ay pinauwi na sa kanilang mga tahanan.

Sinusubaybayan naman ng bansa ang 311 na suspected coronavirus case sa mga pagamutan.

Ililikas na rin ng gobyerno ng THailand ang lagpas 100 nilang mamamayan sa Wuhan City, China ayon kay Deputy Prime Minister and Public Health Minister Anutin Chanvirakul.

Sa hiwalay naman na balita, nagbigay na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang magpatupad ng temporay ban sa lahat ng mga manggagaling sa China. Ito ay upang malabanan pa ang mabilis napagkalat ng nakamamatay na sakit. Pinaliwanag naman ni Senador Go na hindi sakop ng travel ban ang mga kababayan natin na gustong umuwi.

“Sa ngayon ay mag-i-implement na ng temporary travel ban on travelers coming from any part of China and its special administrative regions on top of the existing temporary travel ban imposed on those coming from Hubei province and other affected areas… Taking into consideration the concerns raised by key government officials and health experts, the President made a decision and has agreed to adopt this recommendation and implement it immediately as additional precautionary measure to protect the Filipinos. Sa ngayon ay magkakaroon na tayo ng travel ban sa lahat ng nanggagaling sa Tsina,” sabi ni Senador Go.

Source: Bloomberg | Daily Mail | Philstar | Inquirer| GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén