Local News

“Avigan Drug na Gawang Japan, Epektibo laban sa Coronavirus!” – China

Kung nitong mga nakakaraang araw ay puro nakapanlulumong balita ang lumalabas sa media dahil sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga kababayan natin na nahahawaan ng coronavirus disease 2019 (covid-19), ngayon ay mayroong liwanag na nakikita sa gitna ng suliranin.

Inirerekomenda ng gobyerno ng China na gamitin ang Fujifilm Global’s flu medicine Avigan (Generic Name: Favipiravir) para panlaban sa covid-19 infections. Ang gamot ay ginawa pa noong 2014 pero sinubukan laban sa coronavirus.

Ayon kay China National Center for Biotechnology Development Zhang Xinmin, sa mga isinagwang clinical trials sa naturang gamot, natuklasan ng dalawang medical organizations na naging mabisa ito. Wala rin daw itong obvious side-effects.

“It has a high degree of safety and is clearly effective in treatment,” pahayag ni Xinmin.

Ang naturang gamot ay ibinibigay na sa mga coronavirus patients sa Japan simula pa noong Pebrero 2020. Ang mga pasyenteng positibo sa covid-19 ay nagnenegatibo sa loob ng ilang araw matapos mabigyan ng Avigan. Ang gamot ay inahahanda na para i-mass produce.

Maliban sa medisinang Avigan ng Japan, gumagawa ang mga researchers mula sa Estados Unidos ng bakuna laban sa covid-19. Nitong Marso 16 lang ay sinubukan na ang nasabing bakuna sa volunteer na si Jennifer Haller. Matapos ang pagturok ng bakuna ay umalis si Haller sa examination room na nakangiti.

“We’re team coronavirus now… Everyone wants to do what they can in this emergency… We don’t know whether this vaccine will induce an immune response or whether it will be safe. That’s why we’re doing a trial… It’s not at the stage where it would be possible or prudent to give it to the general population,” sabi ni Kaiser Permanente Washington Research Institute study leader Dr. Lisa Jackson.

Humingi na ang Pilipinas ng alokasyon sa nasabing gamot.

Source: NHK | Nikei | US National Institutes of Health – US National Library of Medicine | LA Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén