Local News

‘Sabi niyo Fake News Kami? Kayo Fake News na, No-Show pa!’ Makabayan Bloc, Sinupalpal ni NSA Esperon!

Sa kanyang press briefing matapos ang pagdinig sa senado ukol sa red-tagging, binanatan ni National Security Adviser Hermohenes Esperon ang mga miyembro ng Makabayan Bloc na hindi dumalo sa senate hearing.

Buwelta ni Esperson, parati daw silang inaakusahan na fake news ng mga makakaliwang kongresista pero ang mga ito ang hindi dumalo sa senado.

“They have an opportunity for a dialogue, to talk, Undersecretary Lorraine (Badoy) will have a chance to speak and so will Gen. Parlade. It is unfortunate that they (Makabayan bloc solons) choose not to attend… We are saddened that they did not attend as this is the ‘democratic space’ given to us to talk among ourselves, to exchange ideas and opinion, and to find out who among us is right… Nagtataka rin ako na baka naman natatakot kayo (Makabayan Bloc) na hindi niyo mapabulaanan ‘yung sinasabi ng dating mga (NPA) commanders, kasi ready sila. 21 ang ready na testigo sana namin… Okay lang kung hindi sila (Makabayan Bloc) nakarating, sila na ang bahala diyan. It’s their choice, we respect their decision. But I hope you are serious in bringing this to the public para pag-usapan natin. Lagi niyong sinasabi na fake news kami, kayo di lang fake news, now-show pa. Which is more difficult, no show or those willing to show up and present. Next time, we better see each other so that we can explain and enlighten our countrymen,” resbak ni Esperon.

Si Esperson ay nagsisilbi rin bilang Vice Chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict
(NTF-ELCAC).

Sa nasabing senate hearing ay inilahad ni Jeffrey Celis aka Ka Eric ang mga kabalbalan sa loob ng New People’s Army (NPA). Pati ang diumanoy pangingikil ng mga komunista sa mga Globe at Smart kapalit ng hindi pagwasak sa mga cell sites ng dalawang telcos. Si Ka Eric ay dating miyembro ng rebeldeng komunista.

Source: NTF-ELCAC | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén