Local News

“Safe Mag Balik-Eskwela sa Agosto” DOH Sec Duque, Kinontra si PDU30!

Kung si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagpahayag na kagabi na hindi siya payag ng magbukas ang mga klase habang walang bakuna na nagagawa para sa coronavirus disease 2019 (covid-19), iba naman ang naging pahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque.

Ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, hindi niya kayang isakripisyo ang kalusagan ng mga estudyante habang walang bakuna sa sakit.

“It spells disaster…I will not allow the opening of classes na magdikit dikit ‘yang mga bata. Bahala nang hindi na makatapos. For this generation walang makatapos na doktor pati engineer… Wala nang aral, laro na lang unless I am sure that they are really safe. It’s useless to be talking about the opening of classes. Para sa akin, bakuna muna… I think by the grace of God we will have the vaccine before the end of the year so mag-asa na lang tayo sa mga marunong… They are feverously working on it. ‘Pag nandiyan na yan, ako na ang magsabi labas na,” sabi ni Presidente Duterte.

Ngayon araw sa senate hearing, tila kinontra ni Duque ang naging pahayag ng Pangulo tungkol sa balik-eskwela.

“Pag-aaralan po natin [nang] maigi ito. Pero sa ngayon po, tingin namin, ay ligtas kung bubuksan ang klase by August 24… Kinakailangan na ang lahat ng ating minimum standards for health ay nakatalaga… Tingin ko magiging ligtas naman po ang pagbubukas ng atin pong mga paaralan,” saad ni Duque.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén