Local News

Suspek sa Brutal na Pagpaslang sa Grade 9 Student, Arestado na!

Matapos ang walang humpay na pagtugis ng kapulisan kay Jonas Bueno, nahuli na ito ngayong araw sa Davao. Si Bueno ang itinuturong primary suspect sa pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu. Naging usap-usapan ang karumaldumal na pagpaslang kay Silawan dahil 30 saksak na tinamo nito at binalatan pa ang mukha ng 16-anyos na dalagita.

Ang pabuya para mapadali ang paghahanap sa suspek ay umabot na nga ng P2 million.

Si Bueno rin ang itinuturong suspek sa pagpatay sa isang 62-anyos na magsasaka na binalatan din ang mukha sa Danao City, Cebu.

Ang nangyari kay Christine ay mariing kinundina ng publiko at ang ilan pa ay nananawagan na maibalik ang parusang bitay.

Ayon sa ulat ng Sunstar Cebu, si Bueno daw ay dating miyembro ng New people’s Army at miyembro din ng isang kulto.

Si Silawan ay nagsisilbi bilang church collector sa isang simbahan malapit sa kanila. Bago ang pagkamatay ng dalagita, may nakakita daw na isang testigo na may kasama itong tatlong tao.

Nagbigay na rin ng opinyon ang ilang personalidad sa mundo ng politika sa nangyari kay Silawan.

“Hindi na gawa ng normal na tao, demonyo na gumagawa niyan… Kung ako ang magulang ng bata, siguro kahit na makulong ako talagang hindi ko na bubuhayin (ang mgasuspek) sa ginawa nila,” sabi ni Sen. JV Ejercito.

“Ang ginawa niya, sobra ‘yun, Kahit na mabitay siya, hindi maiibsan ang kalungkutan. Sobra ang ginawa,” pahayag ni former Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Source: News5 | Brigada News Davao | Sunstar | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén