Local News

Salesman na Nambabastos kay PDU30, ARESTADO at Kakasuhan ng Cybercrime!

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isang salesman mula sa Mindanao dahil sa mga mapanira nitong pahayag laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nakilala ang salesman na si Reynaldo C. Orcullo, 41-anyos, residente ng Brgy. Triangulo, Nasipit town, Agusan del NOrte.

Boladas kasi ni Orcullo, magpapakabayani daw si Senador Bong Go sa pamamagitan ng paghiling nito kay Pangulong Duterte at buwang naman daw ang Presidente.

“We know the pattern. Go will try to make a scripted request to crazy Digong. Digong is stupid. Digong is crazy,” sabi ni Orcullo.

Pinaalalahan naman ni Caraga regional police chiefBrig. Gen. Joselito Esquivel Jr. ang ppubliko na maging maingat sa mga inilalathala sa social media dahil may limitasyon ang freedom of speech.

“I remind our social media users to think thrice before posting on any social media platform. Be responsible netizens. We do enjoy the blessings of democracy but never go beyond from what you think is right without minding you violate the provisions of the law,” sabi ni Esquivel Jr.

Ngayon linggo lang ay may 3 pang inaresto dahil naman sa pagbabanta sa buhay ng Presidente. Ang una dito ay ang guro na nag-alok ng P50 million sa sinumang makapapatay sa Pangulo. Kalaunan ay umiiyak itong at humihingi ng kapatawaran sa nagawa.Isa pang lalaki na taga-Aklan ang inaresto din ng kapulisan matapos sabihin na dodoblehin niya daw ang P50 milyon pabuya sa makapapatay sa Pangulong Duterte. Timbog din sa otoridad ang babaeng nagsabi na gagawin niyang P75 million ang halga ng pabuya para ipapatay ang Presidente. Ang tatlo ay mahahrap sa kasng cybercrime at sedition.

Nagbabala na din ang Presidential Security Group (PSG) sa publiko na huwag magbabanta sa buhay ng Presidente.

“I would just like to convey to the people not to be involved in any way of threatening the president or anybody especially with the use of the social media,” Col. Jesus Durante III, PSG chief

SOurce: CNN Philippines | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: