Local News

‘Sama-sama natin i-shutdown si Duterte sa 2022!’ – Kapamilya World

Sa isang social media post ay binulalas ng Kapamilya World Facebook page ang hakbang na gagawin nila sa 2022. Ayon sa kanila, hindi daw sila papayag na magkakaroon muli ng Duterte sa 2022.

Sinagot naman ng retiradong mamamahyag ang patutsada ng nasabing Facebook page.

“May naghahamon sa lahat ng mga DDS, pro duterte, at pamilya duterte.

Ubusan ng lahi ang hamon.
Kung baga, all or nothing.

Kakasa ba kayo sa mga Lopez, mga kakamping Oligarch at mga alagad na mga asong ulol.

But wait, Solgen Jose Calida is on his way to Mother Ignacia.

Kapamilya, aabot pa kaya kayo sa 2022?” resbak ni Sonza.

Magugunita na noong nakaraang taon ay ibinasura ng kongreso sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang aplikasyon ng ABS-CBN para kanilang bagong prangkisa. Matatandaan din na ilang beses sinabi ni Pangulong Duterte na haharangin niya ang prangkisa ng nasabing istasyon.

Sa kaniyang pinakahuling public address, sinabi din ng Pangulong Duterte na hindi niya papayagan mag-operate ang ABS-CBN kahit pa raw mabigyan ito ng prangkisa.

“Now ito ngayon sa last. Itong nangyari sa itong mga Lopez of Companies. Ang Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. But if you say that if they can operate kung may — may ano na sila, no, I will not allow them.

I will not allow the NTC to grant them the permit to operate. Kung ibigay ninyo ‘yung franchise because it is within your power to do it, go ahead. Alam mo bakit? Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will not — I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan.

Parang binigyan mo sila ng prize for their being — for committing criminal acts. Iyong — ito ‘yung pinagbili ng ano, pinagbili ng Lopez iyong Lopez of Companies kasi maraming utang. So binili nila na lahat — pati ‘yung mga utang, pinagbili ng Lopez doon sa DBP.,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: Kapamilya World | Jay Sonza | Philstar | GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén