San Miguel Corporation, Nag-Donate ng 50 Units ng High-Class BMW Motorcycles sa PNP! P250,000 kada Unit?

Tuloy-tuloy ang pagpapalakas sa pwersa ng ating kapulisan. Sa tulong ng San Miguel Corporation (SMC), sa pamamagitan ni SMC President Ramong Ang, magkakaroon ng 50 units ng BMW G 310 R motorcycles ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG). Ayon sa ulat ng Inquirer, base daw sa impormasyon sa website ng BMW motorcycles, ang isang motorsiklo ay may halagang P250,000. Kaya kung susumahin. aabot sa P12.5 milyon ang 50 units na ibinigay ng SMC sa kapulisan. Ito raw ang unang pagkakataon na nabigyan ng high-class motorcycles ang PNP. Nagpasalamat naman ang liderato ng Kapulisan sa pagtulong ni SMC President Ang.

Makakatulong daw ng husto ang mga bagong sasakyan sa mga operasyon ng patrolling units sa EDSA.

“First time in the sense na BMW ito. Kasi siguro mga 50 years ago pa ‘yung last time na nagkaroon ng BMW ang PNP. We are very thankful for the SMC through Ramon S. Ang for his generosity,” PNP-HPG director Chief Supt. Roberto Fajardo.


Alam niyo bang si SMC President Ramon Ang ay kaibigan ni Pangulong Duterte at isa sa mga nagbigay ng pondo sa kanyang kandidatura noong 2016?

Panoorin ang mga sinabi ni Ramong Ang sa pagpasok ng Duterte Administration noong 2016.

Source: Inquirer

One thought on “San Miguel Corporation, Nag-Donate ng 50 Units ng High-Class BMW Motorcycles sa PNP! P250,000 kada Unit?”

  1. Yesss the best si tatay degong..go go go lng para sa kaunlaran ng pinas.ako isang ofw saudi dito ngayon.happy ako sa malambing pagbabago ang ating Bansa.sana 2019 election makakita na ang mga sinator na tapus pusong maglinkod sa bayan..ang mga salut kasuhan at mapatunayan makulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *