Local News

Sanggol na Kinidnap ng Bagong Yaya, Namataan sa Montalban!

Naging viral at usap-usapan sa social media si Baby Taylor Hayley Victoriano, ang sanggol na tinanggay ng yaya nito. Ang yaya ay halos isang linggo pa lang na namamasukan kay Ginang Princess Jean Perrin.

Base sa salaysay ni Ginang Perrin, mahimbing na natutulog daw sila ng kanyang partner, at nang magising sila ay nagulat na lang sila dahl wala na sanggol sa loob ng kailang pamamahay, pati ang yaya nito ay wala na.

Sapul sa closed-circuit television (CCTV) camera kung paano dinukot ng dorobong yaya si Baby Taylor.

Base sa Taxpayer Identification Number (TIN) at barangay clearance ng suspek, nakilala ang salarin na si Kristine Joy Morrera Salik. Pero ayon sa mga alagad ng batas, maaaring peke ang pangalan na ginamit ng kawatan.

Pinuntahan na rin ng mga alagad ng batas ang address na nakalagay sa ID ng suspek ngunit walang nakakakilala sa kawatan.

Base sa impormasyon na natanggap nang Ginang na si Princess Jean Perrin, namataan umano ang kanyang anak sa Montalban.

” NA SA MONTALBAN NA DAW PO UNG KRISTINE AT ANAK KO MAY NETIZEN NAKAKITA. AIR ON NEWS LATER ABS AND GMA.
NOW ON THE WAY TO REPORT IN TULFO.

HOPEFULLY TO FIND MY BABY SOON. SHE DIDNT BRING ANY BOTTLES OR MILK FOR TAYLOR. BAKA GINUTOM NA ANAK KO!!

NETIZENS PLEASE CONTINUE TO SHARE
MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAG UUODATE DI KO MAREPLYAN LAHAT. RIGHT NOW MEDIA INAASIKASO NAMIN NG PAMILYA KO.”
sabi ni Perrin.

Naririto po ang mga ulat kaugnay sa nangyari pandudukot ng sanggol.

Para sa mga may impormasyon, pwede po kayong makipag-ugnayan kay Ginang Perrin sa numerong 09171790393.

Source: Princess Jean Perrin| GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén