Local News

9 NPA, Todas sa Sabay-sabay na Operasyon! Brgy Captain, Pinagtanggol pa daw ang mga Rebeldeng Komunista!

Pulbos ang inabot ng 9 na miyembro umano ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa Iloilo, Capiz. Maghahain lang sana ng 28 search warrants ang mga alagad ng batas nang manlaban ang mga suspek.

Ayon kay PRO-6 Regional Director Police Brig. Gen. Rolando Miranda, may kapitan pa raw ng baranggay na nagtanggol sa mga rebeldeng komunista.

“Chairman mismo ng isang barangay talagang involved siya dahil talagang yun kanyang pagtatanggol dito sa mga NPA na ito ay talagang tahasan at talagang openly… Hindi naman mawawala iyan dahil hindi natin masisisi sila kung ganyan ang ginagawa nila o di natin alam kung natatakot ba sila sa threat o talagang sila ay miyembro na rin,” sabi ni Miranda.

Ang Duterte Administration ay nasa gitna ng kasagsagang kampanya laban sa mga rebeldeng komuinista. Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay itinatag ang National Task-Force to End Local Communit Armed Conflict (NTF-ELCAC). Bukod sa mga direktang pakikipaglaban sa mga NPA ay gumawa na rin ang gobyerno ng paraan para maputol ang pondo ng mga rebeldeng komunista. Kamakailan lang ay napa-ulat na may ilang bank accounts na konektado sa mga komunista ang napatawan ng freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén