Local News

Ang Military ni Duterte ang Sangkot sa Extortion – Communist Leader Joma

Matapos tumestigo ni Jeffrey Celis o Ka Eric sa senado upang ibunyag ang mga kabalbalan ng mga rebeldeng komunista. Isa sa mga naging pagbubunyag ni Ka Eric ay ang pangingikil umano ng New People’s Army sa Globe at Smart nang 200 million kada taon. Nakakakulimbat din daw ang mga rebeldeng komunista sa mga non-governet organization. Ang ilan sa mga pera nakikikil ng mga bandido ay napupunta daw kay Communist Party of the Philippines founder Joma Sison.

“Ang message ko lang is very clear. Magandang pagkakataon ito upang mag-unite ang buong bayan, ang gobyerno, ang senado, ang kongreso, ang executive and even the judiciary for us to stand against the CPA-NPA-NDF. From a perspective of a former a cadre, ano ang kapabilidad ng CPP-NPA-NDF? They can not overthrow the government but they can make Smart and Globe pay 200 million and more every year, combined. Is that not a threat? They can make 300 to 400 million from the NGO racket and they can make triple A contractor,” pagbubunyag ni Ka Eric.

Umangal naman si Sison sa mga ipinupukol sa kanya. Ayon sa communist leader, umaasa daw siya sa tulong mula sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya. Inakusahan pa ni Sison ang gobyerno ni Pangulong Duterte na nandarambong umano sa pondo ng bayan.

“It is the military that is engaged in extortion. Duterte and his military minions are extorting from the FIlipino people by intimidating them and spreading mass intimidation. Ang in the name of anti-terrorism, they extract a lot of public money and they are the ones collecting from private businesses for their own private pockets… We are ruled by punderer who take advantage of our social wealth and natural wealth of the Filipiono people,” boladas ni Joma.

Source: ANC

Leave a Reply

Theme by Anders Norén