Local News

Sangkot sa kaso ng Namatay na Flight Attendant, Pinahirapan daw ng mga Pulis!

Binawi ng isa sa mga sangkot sa isyu ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera ang nauna nitong pahayag.

Naging isang malaking balita sa pagbungad ng bagong taon ang pagkasawi ni Dacera sa loob ng isang hotel. Kasama ni Dacera noong panahon na iyon ang ilang kaibigan upang ipagdiwang ang bagong taon. Isa sa mga kaibigan ni Dacera na naroroon ay si JP dela Serna.

Magugunita na sinabi noon ni Dela Serna na may isang Mark Antony Rosales ang nagdala ng powder drugs sa kanilang pagtitipon.

Pero ngayon ay binawi na ito ni Dela Serna. Ayon sa abogado ni Dela Serna na si Atty. Abby Portugal, na-pressure at pinahirapan lang daw ng mga pulis ang kaniyang mga kliyente.

“The powder issue insinuating drug use actually came from the mouth of the PNP Makati… It was added by them after subjecting the two detained to mental torture and misrepresentations that they will be released from detention and that no charges will be filed against them… They did not see any drugs. As per Rommel Galido, he was just told by Christine that she thinks that drug (illegal) was mixed in her drink… so purely hearsay… What was told in the media is the truth. Freely given by the five respondents. They were not coached by us (lawyers)… Basically, it was the statement of the Makati police when they mentioned about the drugs insofar as JP is concerned,” sabi ni Atty. Portugal.

Source: ABS-CBN | GMA | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén