Local News

Sangley Airport, Itatayo ng Gobyerno sa Loob lang ng 4 na Buwan!

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging operational na ang Sangley Airport sa Cavite bago matapos ang 2019.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito daw ang atas ng Pangulo kay Transportation Secretary Arthur Tugade. Ito ay para ma-decongest ang Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) sa Maynila. Balak ng Pangulong Duterte umano na ilagay ang lahat ng domestic flights sa bagong paliparan.

Hindi daw natutuwa ang Pangulo sa mga nangyayaring cancellation at delays sa mga flights sa NAIA.

Dagdag pa ni Panelo, mukhang babalasahin din daw umano ng Presidente ang mga opisyal sa NAIA.

Panoorin ang kasalukuyang itsura ng Sangley Airport at kung paano itatayo ito ng gobyerno ang paliparan sa loob ng 4 na buwan.

Source: ABS-CBN’s Jacque Manabat | GMA | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén