Local News

Sapul sa CCTV! Magkasintahan, Pinagbabaril ng Sundalo

Nagtamo ng sugat ang magkasintahan nang paputukan sila ng isang sundalo sa Pangasinan. Ayon sa ulat, pilit daw isinasama ng suspek ang 20-anyos na babaeng biktima sa motel kaya nagpasaklolo ang babae sa kaniyang nobyo.

Nakilala ang mga biktima na sina Celine Fernandez, 20-anyos, at ang nobyo nito na si Fernando Manzano, 28-anyos.

Nasakote naman ang salarin na nakilalang si Nicho Argos. Ang kawatan ay kaibigan pa man din ni ng babaeng biktima.

Ayon sa babaeng biktima, sumama siya sa suspek na mamasyal nitong Martes dahil kakilala niya naman ito. Nagtaka na lang daw siya nang dinadala na siya ng suspel sa isang inn.

Dito na raw niya tinawagan agad ang nobyo niya para humingi ng tulong.

“Pagdating ng boyfriend, according sa investigation, sinuntok niya yung suspek. Then immediately, itong suspek natin, considering na armed with firearm, binaril niya itong victim,” ayon kay Police Major Arturo Melchor.

Nakakulong ngayon sa Urdaneta Police station si Suspek at mahaharap sa mga kaso. Inamin ng suspek sa mga kapulisan ang nagawang krimen.

Source: GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén