Local News

Sapul sa Video! Former PBA Superstar, Nambugbog ng mga Tao!

Kumakalat ngayon ang video ni former Philippine Baskeball Association (PBA) superstar Mac Cardona na nambubogbog ng mga tao sa labas ng isang bar sa Bonifacio Global City.

Sa video, mapapanood si Cardona na pinagsasapak ang tatlong lalaki at tinadyakan pa ang isa.

Kinukuha na ng mga media outlet ang panig ni Cardona sa isyu pero hindi pa rumiresponde ang atleta.

“FORMER PBA PLAYER MACMAC CARDONA NAKUNAN NG VIDEO HABANG GINUGULPI KAGABI ANG ISANG LALAKI.

PILIT INAAWAT NG MGA KASAMA SI CARDONA SUBALIT AYAW NITONG MAGPAPIGIL SA PANANAKIT SA LALAKI NA AYAW LUMABAN.

AYON SA INITIAL REPORT NANGYARI ANG PANGGUGULPI SA BGC SA TAGUIG.

MAGING ANG AGENT NI CARDONA NA SI DANNY ESPIRITU AY WALANG PANG MAIBIGAY NA PAHAYAG DAHIL HINDI PA NIYA MAKONTAK SI CARDONA,” sabi sa post ng mamamahayag na si Erwin Tulfo.

Naglaro si Cardona sa PBA ng 12 taon. Ang huling professional na laro ni Cardona ay Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) San Juan Knights-Go for Gold Team. Nitong Enero ay umalis na siya sa koponan dahil sa “personal reason”.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa kontrobersiya si Cardona. Noong 2016, isinugod ito sa ospital dahil sa drug overdose. Noong 2018 nanam ay inaresto ito dahil sa pananakita sa kanyang live-in partner.

Source: Erwin Tulfo | TNT Abante | Spin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén