Local News

Sapul sa Video! Leftist Group Anakbayan, Nagtanghal sa Kampo ng NPA!

Sa kaniyang social media post ay ibinahagi ni Joy Saguino ang ginawang pagtatanghal ng leftist youth group na Anakbayan sa loob iso umano ng kampo ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA).

Si Saguino ay dating NPA na ngayon ay nagbalik-loob sa gobyerno matapos makita ang kabrutalan ng mga rebeldeng komunista. Magugunita na humarap si Saguino sa pagdinig ng senado ukol sa red-tagging at dito niya isiniwalat ang diumano’y koneksyon ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago sa mga rebeldeng komunista.

“There was no way for Sarah to deny, she needed to coordinate with the (CPP-NPA-NDF), with us, to visit… This is the photo taken during the Student’s Consultation of KABATAAN PARTYLIST in Cotabato City State Polytechnic College… We were just there to accommodate Kabataan Partylist in order to broadly link up with student leaders in CCSPC and recruit those qualified and politically-advanced students into the underground organization of KABATAANG MAKABAYAN,” ani Saguino noong Nobyembre 2020.

Ang post ni Saguino ay umani ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens. Pumalo na rin sa lagpas 3,000 ang nagbahagi nito sa social media site na Facebook.

“Full performance of Anakbayan inside the camp of NPA Guerrilla Front 20 at Brgy. Rizal, Monkayo, Davao de Oro on May 30, 2017.
Huwag i-redtag ang Anakbayan ha? Bad yun. 🙄😂You are putting their lives at risk. 😉😁
Pwede po tayong mag-unlishare sa videong ito hanggang sa maabot natin ang pinakamaraming kabataan pati na ang mga miyembro mismo ng Anakbayan at mailigtas pa natin ang mga hindi pa na-recruit sa underground.
Alam namin kung ano kayo!
Tama na ang pagsisinungaling at panlilinlang!
Share the Truth, Save the Youth!” banat ni Saguino.

Source: Joy Saguino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén