Local News

Sapul sa video! Nanay, Pinilit ang 2-Anyos na Anak na Lumaklak ng Alak!

Lumapit sa mamamahayag na si Raffy Tulfo si “Gerry” upang isumbong ang dating karelasyon na si “Giselle” dahil pinatutungga ng alak ang kanilang anak.

Sa programa ni Tulfo, makikita ang ina na pilit pinalalaklak ng nakakalasing na inumin ang sariling anak. Habang nalalasing na ang bata ay mapapansin na tatawa-tawa pa si “Giselle”.

Sa isa pang video, makikita ang bata na latang-lata na dahil sa sobrang kalasingan at na-ihi na rin sa salawal. Mapapansin na binatukan pa ang bata.

Napag-alaman din mismong si “Giselle” pa pala ang kumukuha ng video sa bata habang umiinom ng alak. Ikinakalat din daw ni “Giselle” ang nasabing video sa social media. Lumabas din na pati ang mga anak ni “Giselle” sa bago nitong kinakasama ay pina-iinum din nito ng alak.

Nakipag-ugnayan naman si Tulfo sa mga kinauukulan para mabawi ang bata sa kaniyang ina. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), gagawan sila ng paraan para mailigtas ang bata sa ina nito.

Source: RTIA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén