Local News

Panoorin! Sapul sa Video! Pulis, Pinagtataga ng Itak ng Lalaki!

Kuhang-kuha sa camera ang ginawang pag-atake ng isang lalaki sa pulis sa Negros Occidental.

Ayon sa ulat, nakaranas ng nervous breakdown ang lalaki. Sinubukan daw itong pakalmahin ng mga alagad ng batas pero pinagtatataga nito ang isang pulis.

Dito na nagsagawa ng self-defense ang mga pulis at binaril ang lalaki. Kahit na may tama na ng bala ang lalaki ay patuloy pa rin daw ito sa paghabol sa pulis.

Humandusay na lang sa kalye ang lalake at binawian ng buhay dahil sa tama ng mga bala. Habang ang pulis naman ay nagtamo ng mga sugat sa braso.

Narito ang reaksyon ng ilang netizens sa nangyari.

“Nagkaron din ang tatay ko dati ng ganyan sakit yung nervous breakdown, yan yung sakit na parang nawawala sila sa sarili na parang nababaliw na dala na din ng problema sa buhay, pero nagagamot naman yan kung maaagapan, yung sa tatay ko nagamot sya, pero matagal na sya wala, 🙁🙁”

“Hindi ko alam kung anomg dapat kong maramdaman. Naawa ako na naiinis. Pwede naman mag warning shot or patamaan sa binti. Hindi yang ganyan. Di man lang inalam background ng tao. Ano nalang mararamdaman ng namatayan. Kesyo kayo may tama ng taga? Gagaling rin yan. Sasahod pa kayo. pano nalang yung namatayan? Nawalan na sila ng kamag anak, gumastos pa. Punyetang sistema.”

“Habang may pulis sa harapan sana tinadyakan sa likod para tumumba…save pa sana kasi problema lang naman sa isip yan”

Source: GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén