Local News

Sara Duterte, Pinabulaanan ang Isyu Tungkol sa Martial Law Historical Record!

Kamakailan lamang ay naging maugong ang pag-anunsiyo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay VP frontrunner Sara Duterte na itatalaga umano ni Marcos bilang bagong Department of Education Secretary.

Samu’t sari ang naging reaksiyon dito ng taumbayan, netizens, mga namumuno sa gobyerno at maging ng ilang grupo, kabilang na ang Alliance of Concerned Teachers (ACT), na tahasang nagpahayag ng kanilang pagdududa sa kwalipikasyon ni Inday Sara para sa nasabing posisyon.

“What we need is a leadership that recognizes the learning crisis, the desperate quality of education, the chronically underpaid status of teachers, and the degeneration of the country’s sense of history and grasp of truth. Sara Duterte has no recognition of these problems, that also worsened under her father’s rule, and has no track record in addressing these,” saad ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

Samantala, ayon sa ulat ng GMA news, sinagot na rin ni Sara Duterte ang mga haka-hakang kumakalat na babaguhin niya umano ang kasaysayan ng Batas Militar sakaling maupo siya bilang Education Secretary. Ayon kay Inday Sara, mahirap umano itong gawin at hindi ito ang kanilang prayoridad.

“Once we get that mandate of proclamation of winners galing sa ating Congress, we will sit down with Secretary Briones para meron tayong magandang transition at walang break sa ginagawa from the administration of President Duterte to the administration of President Marcos,” saad ni Sara Duterte.

Nilinaw din ni Sara na bagama’t hindi siya eksperto sa larangan ng edukasyon ay mayroon naman umano siyang “executive experience”.

Source: GMA News, GMA News

Leave a Reply