Local News

Sara Elago, Inirekomendang Imbestigahan ng Senado

Mahaharap na naman si Kabataan Partylist Representative Sara Elago sa isang gusot matapos irekomenda ng senado na isama ang kongresista sa mga personalidad na iimbestigahan patungkol sa pagkawala ng ilang estudyanteng nahimok ng makakaliwang grupong Anakbayan.

Magugunita na naging laman ng balita noong Agosto ang mga kabataang nahikayat ng grupong Anakbayan. Ayon sa mga magulang ng kabataan, nag-iba daw ang ugali ng kanilang mga anak nang simulang mapasama sa naturang grupo. Ang isyu ay umabot pa sa senado kung saan isiniwalat ng mga magulang ang sakit na naranasan nila simula nang mawalay ang kanilang mga anak. Isa sa nagsalita sa Senado ay si Ginang Relissa Lucena.

“Ang anak ko walang alam sa mundo, first time pa lang siyang lumayo sa bahay namin, hindi pa siya ganun ka exposed. Pero nung first semester nakita ko na ‘yung changes. Matigas na siya. Nag-open siya sa akin, Anakbayan na daw siya at lider na siya… Sinasabihan ko siya na huwag ka diyan. Against ako sa ginagawa nila pero hindi naman sa pinaglalaban nila… Sabi niya full-time na siya sa Anakbayan. Nung nalaman niyang nagsumbong ako, sabi niya kalaban na daw ako, huwag ko na daw isipin na may anak siya at ayaw na niyang mag-aral… Responsible po ang anak ko, hindi ko matanggap na ganyan ang gagawin niya” pahayag ni Ginang Lucena.

Inudyukan na rin si House Speaker Alan Peter Cayetano ng ilang personalidad upang patalsikin sa kongreso si Elago dahil sa pagsulong nito ideyolohiya ng mga komunista.

“It is time for House Speaker Cayetano to prove his loyalty to the Constitution, the country, the people and the flag…Either he stays or the communist Elago… she must protect and defend the Philippine Constitution” but she “continues to advocate the communist ideology and actively recruits the youth to join the outlawed terrorist New People’s Army, Communist Party of the Philippines, and National Democratic Front,” sabi ni Dan Jimenez, beteranong Philippine Navy at Philippine Military Academy.

Source: News5| Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: