Local News

Sarah Balabagan, Inakalang “Parusa ng Diyos” si Arnold Clavio!

Sa kanyang panayam kay Attorney Bruce Rivera, muling ibinahagi ni former Overseas Filipino Worker (OFW) Sarah Balabagan ang kanyang pagsubok na naranasan sa Middle East hanggang sa kanyang pagkakapiit dahil sa pagtatanggol sa sarili mula sa tangkang panggagahasa ng kanyang among arabo.

Mapapansin na sa naturang panayam ay tila mas maanghang ang mga salitang binitawan ni Balabagan laban kay GMA News anchor Arnold Clavio.

Ikinumpara pa niya ang mamamahayag sa amo niyang nagtangkang humalay sa kanya. Ayon kay Balabagan, mas nabigyan pa raw siya ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili mula sa arabong amo kumpara sa nangyari sa kamay ni Clavio.

“Sabi ko nga ‘buti pa ‘yung amo ko… parang feeling ko ngayon mas mabait pa ‘yung amo ko dahil binigyan ako ng chance na makipaglaban, kumpara doon sa tao [Clavio] na parang ahas na unti unti kang… During that time, naisip ko sabi ko ‘Lord bakit mo pa ako iniligtas sa parusang kamatayan kung ganito rin pala ang kakahinatnan ko dito pagdating sa Pilipinas, sana namatay nalang ako doon,” sabi ni Balabagan.

Ibinahagi din ni Balabagan kung paano niya ipinaalam sa kanyang anak ang totoo pagkatao ng ama.

“From day one talaga hindi ko itinago sa kanya kung sino ang ama kasi inisip ko whatever happens to me atleast malapit siya sa pamilya niya, meron siyang pupuntahan,” ani Balabagan.

Magugunita na mahigit isang linggo na ang nakalipas nang ibunyag ni Balabagan na si Clavio ang ama ng kanyang panganay. Simula nang ihayag ni Balabagan ang naging relasyon nila ni Clavio ay walang pang ibinibigay na pahayag ang mamamahayag tungkol sa isyu. Maging ang pamunuan ng GMA Network ay tila nanahimkdin patungkol sa usapin.

Si Balabagan ay naging sikat noong kalagitnaan ng dekada nobenta dahil sa pagkakakulong niya sa United Arab Emirates dahil sa kasong pagpatay. Ayon sa mga lumabas na ulat, tinangka umano siya gahasain ng kanyang amo kaya niya ito napaslang.

Source: Atty. Bruce Rivera

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: