Local News

Sarah Balabagan, Umamin na Minanipula siya ni Arnold Clavio!

Sa panamayam ni former Overseas Filipino Worker Sarah Balabagan kay Journalist Ben Tulfo, binunyag nito na minanipula siya ni Arnold Clavio noong kabataan niya kaya sa nabuntis nito.

“Kung napanood niyo ‘yung video, wala naman akong sinabing against sa kanya. What’s more kung kinuwento ko kung paano niya ako minanipulate. Baka masuka ang mga taong nakakapanood,” sabi ni Balabagan.

May panawagan din siya sa sikat na GMA news anchor na huwag itanggi na ang anak na panganay sa kanya.

“Arnold, pwede kang ‘wag magsalita, pwede kang manahimik. WAG MO LANG ITANGGI ANG ANAK MO! Ibang usapan ‘yan!… Aminin mo na ang ginawa mo sa akin, it’s been 22 years,” ani Balabagan.

Itinanggi naman ni Balabagan na may grupo o politiko sa likod niya na nag-uudyok para magsalita laban kay Clavio. Ayon kay Balabagan, marami na raw nag-alok sa kanya noon para isiwalat at masiraan si Clavio pero hindi niya raw ito ginawa.

Naging laman ng social media si Balabagan kamakailan lang matapos niya isiwalat na si Clavio ang tatay ng kanyang panganay na anak.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas… Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko… Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama… Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan… Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko… Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon… Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story… Alam niyo naman kung gaano siya ka-kengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako… Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po…. Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” sabi ni Balabagan sa una niyang video.

(Lumaktaw sa 26:00 bahagi ng video para mapanood agad ang panayam kay Balabagan.)

Source: Bitag | Bitag

Leave a Reply

Theme by Anders Norén