Local News

Sarah Elago, Balak Magsampa ng Kaso Laban sa mga Red-Taggers!

Plano ng Makabayan Bloc member na si Kabataan partylist Representative Sarah Elago na magsampa ng kaso laban sa mga opisyal at opisina na nagpapakalat na siya ay konektado sa Communist Party of the Philippines (CPP).

“That is so unfair, unjust at grabe yung diskriminasyon sa parte ko na ganito yung nararanasan ng party-list ng kabataan sa loob ng Kongreso,” boladas ni Elago.

Sa kaniyang talumpati sa senado, sinabi ni Elago na hindi daw siya papayag na walang mananagot sa ginagawang paninira sa mga kabataan.

“Think before you click. Consider the source before sharing content. Nakakahiya po kung galing sa NICA at Secretariat ng Anti-Terrorism Council tapos hindi man lang marunong mag fact-check… Nandito ako dahil hindi natin pahihintulutan na walang nananagot sa mga paninira na ginagawa sa ating mga kabataan. Nandito ako hindi lang para sumagot, kundi maningil ng pananagutan sa lahat ng pangdudusta na ginawa sa akin,” patutsada pa ni Elago.

Magugunita na isa si Lt. General ANtonio Parlade na nag-uugnay kay Elago sa mga rebeldeng komunista. Matatandaang pinuna pa ng heneral ang mambabatas nang hindi ito nakadalo sa unang senate hearing ukol sa red-tagging.

“That’s a sloppy excuse not to be able to attend the Senate hearing on a very important issue about youth activism. Rep. Elago should have enlightened us of their interpretation of ‘academic freedom’ and “protection of children’s rights” in that session, but they chose not to face the parents. There is another hearing scheduled next week and let’s see if they have other alibis… You talk of suppression of press freedom and dictatorship? Then how is it possible that you can rally and march freely on the streets with your b*lls**t slogans? You are given the opportunity to speak at the floor but you ignore it because you choose to shout on the streets,” banat ni Lt. General Parlade.

Source: News5 | Archive | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: