Local News

Sarah Elago, Hindi Dumalo sa Senate Hearing ng Nawawalang Kabataang Sumapi sa Anakbayan!

Sa pagdinig kahapon sa senado patungkol sa mga kabataang nawawala matapos ma-recruit ng Anakbayan, hindi nakadalo si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago.

Hindi ito pinalampas ng opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC). Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief-of-Staff for Civil-Military Operations, Major Gen. Antonio Parlade, Jr., dismayado sila sa pagliban ni Elago sa senate hearing. Dapat daw ay naipaliwanag ng makakaliwang mambabatas kung bakit ang organisasyon na konektado sa grupo nito ay nagiging dahilan ng pagkawala ng mga kabataan.

“We were disappointed with the absence of Rep. Sarah Elago during the Senate hearing called by Senator (Ronald) dela Rosa. We wanted her to explain how her organization, as well as the other Kamatayan (Makabayan) bloc organizations mentioned by the crying parents like Bayan Muna, are being patriotic (Makabayan) by causing the disappearance of their children, who are supposed to be in school,” banat ni Parlade.

Buwelta pa ni Parlade, importante ang presensiya ni Elago sa pagdinig para magpaliwanag nito kung paano maiiwasan ang pang-aabuso sa mga kabataan estudyante.

“We wanted to ask what else can be legislated to protect our youth and children in schools and keep them out of harm’s way,” sabi ni Parlade.

Ayon kay Parlade, karamihan sa mga kabataang nahikayat ng mga makakaliwang grupo ay umuuwing malamig na bangkay dahil sa pakikibaka sa ngalan ng pekeng nasyonalismo, habang ang kanilang mga representate ay nagtatamasa ng benepisyo sa hawak na posisyon.

“Many of these children have returned in cadaver bags, after joining the NPA (New People’s Army) and fighting the government. Many have been exploited by this fake sense of nationalism, pushed to the hills and asked to sacrifice for the masses, while their representatives are enjoying the perks of their offices,” dagdag pa ni Parlade.

Panoorin ang nangyaring pagdinig kahapon sa senado patungkol sa mga estudyanteng nahikayat ng Anakbayan na ngayo’y hindi pa rin matagpuan ng mga magulang.

Source: PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén