Local News

Sarah Elago, Nagpapaalam muna sa NPA bago Bumisita sa ilang Lugar ayon sa Dating Rebelde

Sa pagtestigo ni former New People’s Army (NPA) Joy James Saguino o “Ka Amihan” sa senado, ibinunyag nito na ilang beses niya nakasama si Kabataan Partylist Sarah Elago. Ayon kay Ka Amihan, nagpapaalam si Elago sa pamunuan ng NPA upang makabisita sa mga baseng masa.

“There was no way for Sarah to deny, she needed to coordinate with the (CPP-NPA-NDF), with us, to visit,” pagbubunyag ni Ka Amihan.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi rin ni Ka Amihan ang ilang litrato kung saan kasama niya si Elago.

“This is the photo taken during the Student’s Consultation of KABATAAN PARTYLIST
in Cotabato City State Polytechnic College… We were just there to accommodate Kabataan Partylist in order to broadly link up with student leaders in CCSPC and recruit those qualified and politically-advanced students into the underground organization of KABATAANG MAKABAYAN,” ani Ka Amihan.

Narito ang reaksyon ng army officer na si Harold Cabunoc sa naging pagsisiwalat ni Ka Amihan.

“SARAH ELAGO, BINUKING NG SUMUKONG NPA

A picture speaks a thousand words. Maraming palusot sa larawang ito na kapiling ni Sarah Elago ang mga NPA.
Pero, ayon mismo kay Ka Amihan, nagpapaalam mismo si Sarah Elago sa liderato ng New People’s Army kung bibisita sa guerilla bases at sa lugar ng baseng masa.

Ano kaya yon, nangungumusta at nag-account ng mga napasampa nila sa komunistang teroristang grupo? Naalala ko tuloy ang istilong DUAL TACTICS ng communist movement—-Merong gumagamit ng legitimate actions (protest rallies, social works, community organizing); at, merong gumagamit ng illegal actions kagaya ng extortion, murder, arson, liquidations. Kaya nga, di nila makondena ang ginagawa ng NPA kasi magkakasama at kaparehas naman ang end states nila!

Ayon sa mga senior cadre ng CPP na sina Jeffrey Celiz at Noel Legaspi, ang KABATAAN Partylist at mga partylists na nasa Makabayan Bloc ay pinamunuan ng Cadre ng Communist Party of the Philippines. Sagot nina Neri Colmenares, Zarate, Castro, et al ay “RED TAGGING!”.
RED-TAGGING. RED-TAGGING. RED-TAGGING. Iyon ang parati nilang pabebeng sagot dyan. Sa taumbayan na lang kayo magpaliwanag.”

Source: Harold Cabunoc | NSC | Philstar | Archive | Joy Saguino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén