Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Sarah Elago, Najombag ng Husto ng Kilalang Abogado at Radio Host!

Sa usapin pa rin ng mga kabataang “nawala” matapos nahihikayat na sumali sa mga makakaliwang grupong Anakbayan, nagsalita na rin ang abogado at radio host na si Attorney Bruce Villafuerte Rivera sa isyu.

Sa kanyang social media post, hindi nito napigilan na soplahin si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago sa nangyayari. Isa sa ikinabuwusit ng abogado ay ang pagtatangka ng kongresista na mamagitan sa pag-uusap ng mga magulang at ng mga rebeldeng anak.

“KABATAAN Rep. Elago, handang mamamagitan sa mga kabataan na sumapi sa mga grupo at ang mga magulang nito para daw magiging madali na maipahayag ng mga kabataan ang mga nasa isip nila sa kanilang mga magulang. Uminit ang ulo ko. Nagkaroon ka ba ng mga magulang, Rep. Elago? Saan ba mas madaling kausapin ang magulang? Yun bang kayo-kayo lang o magsasama ka pa ng isang Congressman na hindi naman child counsellor, parental coach or psychologist bagkus isang youth leader na hindi pa umabot ng 30years old, naging trabaho ang suwayin ang utos ng mga autoridad at parte ng sistema ng recruitment nung mga bata,” banat ni Rivera.

Nakatikim din kay Attorney Rivera ang mga kabataang aktibista. Isa rin sa sinisisi ni Attorney Rivera ay ang sobrang demokrasya sa bansa.

“Yan kasi ang problema ng sumobrang demokrasya. Mga kabataang humihingi ng sobrang kalayaan, nakabasa lang ng konting libro, inakala na mas magaling na sila sa mga taong mas maraming karanasan sa buhay tulad ng mga magulang at nakakatanda. Ito ang mga kabataang iniisip na ang aktibismo ay ang kumawala sa inakalang tanikala ng pagiging anak sa kanilang ama at ina… Tapos ngayon, itong si Elago na hindi pa nasubukan maging ina at ang tanging naging karanasan maging miyembro ng Kamara ay magreklamo sa daan at manghikayat ng mga kabataan upang suwayin ang mga magulang na mamagitan sa usaping anak at magulang,” buwelta ni Rivera.

Pabor din ang abogado na ibalik na ang corporal punishment para madisiplina ang mga kabataan. Ayon pa kay Rivera may ilang kabataang, puro na lang reklamo at sobra ang tingin sa sarili. Katulad daw ng mga ito si Elago.

“Ibalik na nga natin ang corporal punishment sa mga bata. Sumobra na ang pagbebeybi natin sa mga bata ngayon. Self-entitled, feeling strong, puro reklamo at lahat sa kanila ay mahirap gawin. Parang si Elago lang,” resbak ni Rivera.

Isa rin daw sa mga rason kung bakit ayaw ni Attorney Rivera na magkaanak ay ang ideya ng pagrerebelde ng anak.Mas nanaisin na lang daw niya na mag-alaga ng pusa at aso dahil sigurado daw siya na makakatikim daw si Elago sa ma alaga niya.

“Kaya nga ayaw ko maging magulang. Isipin mo lang, maghihirap ka sa pagbubuntis, papalakihin mo, pakakainin, papag-aralin, binilhan ng cellphone tapos bigla kang lalayasan at magiging “who you” ka. Ngayon, kailangan pa mamagitan ang isang Sarah Elago para makausap mo yung anak mo na pinunit ang p*k-p*k mo!!! Aba, mag-aalaga na lang ako ng aso at pusa. At least, sigurado ko na pag may Elago na dadating sa bahay ko, kagat at kalmot ang abot niya,” sabi pa ni Rivera.

Source: Bruce Villafuerte Rivera

Leave a Reply

Theme by Anders Norén