Local News

Sarah Elago, Todo-Tanggi na siya ay NPA!

Sa kniyang pagharap sa senado para sa pagdinig tungkol sa isyu ng “red-tagging”, iginiit ni Kabataan Partylist Representative sarah Elago na walang basehan ang akusasyon na siya ay miyembro ng New People’s Army. Malaya din daw ang mga miyembro nila na mamili kung anong landas ang tatahiakin sa buhay.

“Inuulit ko… Hindi ako NPA. Hindi ako NPA recruiter. Hindi po bahagi o front ng CPP ang Kabataan Partlist. Hindi NPA recruiter ang Kabataan Partylist. Hindi rin ito nagre-recruit para maging NPA,” boladas ni Elago.

“Kung mayroon pong ilang naging NPA mula sa daan-daang libongmiyembro ng Kabataan Partylist sobrang illogical na sabihing nagre-recruit ang orgganisasyon namin dahil malayang nakakapagdesisyon ang mga miyembro ng landas na kanilang tatahakin sa buhay,” patutsda pa ni Elago.

Narito po ang litrato ni Elago kasama si John Carlo Capistrano na isang student activist na sumali sa NPA at kalaunan ay nasawi.

Magugunita na kumantad kamakailan lang si Ka Alem. Si Ka Alem ay dating aktibista na miyembro ng League of Filipino Students (LFS). Sa kaniyang panayam, binanatan nito si Elago.

“Sana tigilan niyo na ang panloloko niyo sa kabataang katulad ko kasi marami ng buhay ang nasira dahil sa propaganda ninyo. Isa na ako doon kasi ngayong ko na-realize kung gaano kalaking oportunidad ang sinayang ko noong panahon na pinag-aaral ako ng magulang ko, na nagsusumikap sila para makapagtapos ako sa pag-aaral, pero mas pinili kong maniwala sa propaganda ninyo,” banat ni Ka Alem.

“Isa ako sa nag-puyat noong eleksyon 2016 para magkabit ng mga posters (ng Kabataan Partylist). Pero sino hayahay ang kalagayan ngayon? Di ba ikaw. Ako, nagma-masakara at nagtatago kasi natatakot na papatayin niyo ako, dahil nagsisiwalat ako ng katotohanan tungkol sa inyo,” patutsada pa ni Ka Alem.

Source: News5 | Senate Philippines | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén