Local News

“Sarap tampalin ang gustong pahinain ang kapangyarihan ng gobyerno!” Radio Host

Hindi na nakapagtimpi ang radio host at kolumnista na si RJ Nieto (aka Thinking Pinoy) laban sa mga kumkontra ngayon sa gobyerno.

“Sarap tampalin ng gustong pahinain ang kapangyarihan ng gobyerno pero pag krisis, sa pamahalaan iaasa at isisisi lahat. Kalokohan.” banat ni Nieto.

Itong nagdaang mga araw ay naging matunog ang isyu tungkol sa anti-terrorism bill na sinertipikahan pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “urgent”.

Sigaw na ilang aktibista at personalidad sa mundo ng showbiz, pagkitil daw ito sa kalayaan sa pamamahayag.

Pero kung babasahin ng mabuti ang panukalang batas, malinaw na nakalagay dito na hindi tinuturing na terroristic activity ang pagwewelga, pagpo-prostest o anumang uri ng paglalabas ng hinaing laban sa gobyerno.

“Provided that terrorism, as defined by this Section, SHALL NOT INCLUDE advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar exercises of civil and political rights, which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety.” sabi sa section 4 ng Anti-Terrorism Bill.

Ipinaliwanag na rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mapapangalagaan ang karapatan-pantao sa nasabing panukala. At ang mga kumokontra daw ay mga komunista at mga sumusuporta sa mga rebeldeng makakaliwa.

“What these detractors, mostly Reds and their allies, have done is to pick some provisions and add their own interpretations to scare people. People need not fear. The proposed law has safeguards of civil liberties and sanctions to law enforcement agencies… This bill was deliberated lengthily by both Houses and all sectors were invited as resource persons during these deliberations. All sides were heard… My comment on those opposing this measure is that their opposition is baseless as there are sufficient provisions protecting people’s rights and there are penalties and punishments for law enforcers caught abusing the law. Our people have nothing to fear,” sabi ni Lorenzana.

Source: Thinking Pinoy | Senate President Tito Sotto | Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: