Local News

‘Scary’ Actress Barbie Imperial, Nagbigay ng Reaksyon sa Video ni Sara Duterte!

Sa isang social media post, nagbigay ng reaksyon ang aktres na si Barbie Imperial ukol sa video na ginagamit ngayon ng ilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon upang batikusin si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa video na ibinahagi ng anti-DU30 personality na si Francis Baraan IV, mapapanood si Mayor Sara na nanapak ng sheriff sa Davao City noong 2011. Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, humiling noon si Mayor Sara ng palugit na 2 oras para pigilan ang demolisyon sa mga bahay ng mga squatters pero itinuloy ng sheriff ang demolisyon kaya nakatikim ito ng upak sa alkalde.

Para kay Barbie, nakakatakot daw ang nasabing video.

Dahil sa komento ng aktress ay agad naman nagbigay ng opinyon ang mga taga-suporta ni Mayor Sara.

“FYI, Hindi yan magtatagal sa davao kung scary siya na gaya ng sinasabi mo. Magpasahod ka muna ng tama sa PA mo day para walang tulfo 2.0”

“Know the story behind wag kang puro retweet at share di ko naman alam buong storya… admire mayor sara’s bravery to stand up for the poor.”

Kamakailan lang ay nanguna si Mayor Sara sa isang survey para alamin kung sino ang napupusuan ng mga Pilipino para maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén