Local News

School Opening, Agosto 24 na ayon sa DepEd! Kahit Wala pang Bakuna sa COVID-19?

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang pagbubukas ng klase para sa schoolyear 2020-2021 ay itinakda na sa August 24,2020. Sinabi ito ng kalihim sa public briefing ng Laging Handa. Ang pagkakaantala ng kalse ay isinanguni na raw sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, ang nangangasiwa sa paglaban ng gobyerno laban sa sa coronavirus disease 2019 (covid-19)

Ang pagsisimula ng mga klase ay kadalasan ginagawa tuwing Hunyo. Ayon sa Republic Act No. 7977, dapat magbukas ang mga paaralan sa petsa na hindi lalagpas sa hulng araw ng Agosto.

Magugunita na sinabi kamakailan ng mga Education Officials na hindi kailangan ng lahat ng estudyante at guro na magpunta sa mga eskwelahan upang malabanan ang pagkalat ng covid-19.

Isang importanteng isyu na dapat pagtuunan ng pansin ng mga education officials ay kawalan pa ng bakuna laban sa covid-19. Kaya hindi tuloy mapigilan ng iba na umalma sa naging hakbang ng DepEd.

“Please make sure that our kids are safe from these virus before you decide. You are talking about the lives and safety of our children. Think first for sure most of you are parents as well,” sabi ni C. Delgado.

“Just wondering why Deped is nangangati for the opening of classes soon..true..nothing wrong kung skip one academic year.
Just to be sure na ngsawa na ang covic19 na yn..just imagine kung anung scenario na mangyari if mgmadali ang opening..were still at the middle of pandemic..its still out of control..habang my ngkakasskit at namamatay in double or triple # ndi pa safe .oo nga time is gold pero life is more than precious..stay at home stay safe at bulabong pa more sa govt for more reliefs.
GOD SAVE PHILIPPINES AND THE WHOLE WORLD!,”
sabi ni R. De Vera.

“kawawa mga student dito. No vaccine and hangga’t di ubos yung positive dito, dapat di muna mag papasok mga studyante. Dahil hindi lahat ng tao may pang check up,” sabi ni M. Ryu.

Source: GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: