Local News

“SEA Games food is delicious! Better than those served at some hotels!” – Malaysia Sports Official

Ayon sa Malaysian Sports Official na si DATUK Mumtaz Jaafar, sa sobrang sarap daw ng mga inihahaing pagkain para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, ang hirap daw mapigilan na mapakain. Ayon pa sa opisyal, mas masarap pa raw ang mga pagkain kumpara sa mga inihahain sa mga hotels. Nabanggit din ng opisyal na bukas ang kainan ng 23 oras. Si Mumtaz ay ang deputy president of the Malaysian Athletics Federation.

“The food is delicious, even better than those served at some hotels… and it’s open 23 hours every day,” sabi ni Mumtaz.

Nangangamba naman si Mumtaz na baka bumigat ang mga atleta ng kaniyang bansa dahil sa sarap ng pagkain.

“We arrived three days before athletics start and, after looking at the mess hall, I’m worried that some of my athletes might over-indulge and put on extra weight… With the athletics venue across the road from the Village, I’m afraid they might have too much time in their hands and the mess hall might become the focal point,” paliwanag ni Mumtaz.

Maliban sa pagkain, hinangaan din ang opening ceremony ng SEA Games. Sa katunayan, pinarangalan ang Pilipinas na “Best SEA Games Organizer” ng Sports Industry Awards Asia (SPIA). Ang SPIA ay kilalang award giving body sa Asia pagdating sa mga sporting events.

Source: nst.com | Poch Jorolan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén