Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

SEA Games Opening, Tinawag na “Perya sa Probinsiya” ng Dilawang Journalist!

Habang karamihan sa mga Pilipino sa social media ay masaya sa naging opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Pilipinas, ang Liberal Party Supporter at journalist na si Raissa Robles ay tila nakakain ng ampalaya. Sa kanyang social media post, tinawag niya ang SEA Games opening ceremony na “perya sa probinsiya.”

“We have very good choreographers – Steve Villaruz, Edna Vidas, Nonoy Ftoilan. THey could have been tapped for the #SeaGames Opening. Pucha. Parang nanunuod ka lang ng perya sa probinsiya nito,” sabi ni Robles.

Banat pa niya, bakit hindi daw gumamit ng mga ballet dancers.

“Why did they not use some of our ballet dancers????,” dagdag pa ng dilawang mamamahayag.

Sa hiwalay na social media post, tinawag pa ni Robles na trolls at alipunga ang mga taga-suporta ni Pangulong Duterte.

“Ilan kaya ang Dut30 trolls sa loob ng Philippine Arena ngayon? Kadi walang msdyadong mga alipungang nag-twee-tweet ngayon,” boladas pa ni Robles sa kanyang Twitter account.

Naririto po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mapait na komento ni Robles tungkol sa SEA Games opening ceremony.

Nakatikim din ng banat si Robles at ang asawa nito sa radio host na si Mark Lopez. Binanatan ni Lopez ang kredibilidad ng mag-asawa.

“Sus! Ano naman ang credibility nina Alan at Raissa Robles para mag criticize ng isang special event eh ang alam lang naman nyan eh mag drama na naging biktima sila ng Martial Law bago pa sila pinanganak hanggang ngayon?,” resbak ni Lopez sa dilawang mamamahayag.

Para naman kay Manila Bulletin lifestyle writer Krizette Laureta Chu, hindi dapat magpa-apekto ang mga Pilipino kay Robles, sabay tira sa taste ng mag-asawa.

“At mukha naman bang may taste si Raissa Robles para maapektuhan kayo? Ichura nilang mag asawa,” buwelta ni Chu.

Source: Raissa Robles Twitter | Twitter | Mark Lopez | Krizette Laureta Chu

Leave a Reply

Theme by Anders Norén