Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Sekyu, Inaway ng Grupo ng Transgenders dahil Pinagbawalan Gumamit ng Female Toilet!

Matapos maging isyu nitong Agosto ang insidente ng diumano’y “diskriminasyon” sa trasgender na si Gretchen Diez dahil sa pagpigil sa kanya ng isang janitress na gumamit ng pambabaeng palikuran, isa na naman pangyayari na kinasasangkutan ng mga transgenders ang nakunan sa isang video.

Sa viral video na pumalo na sa lagpas 500,000 views, mapapanood ang kumprontasyon sa pagitan ng security guard at ng grupo ng mga transgenders. Ayon sa uploader na si Macky Onrubia, pinagalitan daw ng guwardiya ang mga transgenders dahil sa paggamit ng women’s toilet. Ito raw ang naging mitsa ng pagtatalo ng dalawang panig.

Maririnig sa video kung paano minura-mura at pagbantaan ng mga transgenders ang security guard. Sa isang bahagi ng video ay dumampot ng upuan ang sekyu at ang transgender naman ay humawak ng metal na dustpan at muntik nang magpang-abot.

Umabot na sa 14,000 ang nagbahagi ng naturang video at mayroon na rin itong libo-libng komento.

Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa viral video.

“Naisip ko lang paano kung ang hamunin nila ay babae sa loob ng ladies cr tapos makipag sabunutan sila. Grabe eh tignan mo ang brusko niyan juice colored” sabi ni G. Valera.

“Mga abusadong bakla d ako glit sa baklush kc may bff akong baklush at mas matitino sila kesa dyan alam nila san sila lulugar. ALAM NILA YUNG SALITANG RESPETO,” sabi ni V. Salazar.

“Kita nyo na kung pano mag transform yung bakla sa pagiging lalake ulit? If ever nasa women’s toilet sila and may babaeng sumita at binugbog ng mga yan at kamag anak nyo yung babae?” sabi ni M. Miranda.

“Dapat makita ito ng mambabatas na nagtatanggol sa mga yan…. Makita kung gaano katapang at gaano kabastos ang mga yan. Pinagpapapansin kasi kaya nagsisitapang. Mabuti na lang mabait si manong guard, kung sa iba yan baka pinutukan na yan, bulagta sila jan. Makakatyempo din ng makakatapat nila ang mga yan.” sabi ni N. Montero.

Source: FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén