Local News

Sekyu sa Customs, Nagkamal ng halos P2 million sa Bangko pero 14k lang ang Sweldo!

Pumalo sa halos P2 million na nakalagak sa iba’t-ibang bank accounts ang natukalasan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kay Renly Tiñana, security guard 2 sa Bureau of Customs (BOC). Ayon sa ulat ng GMA News, umaabot lang sa P14,000 ang buwanang sweldo ng sekyu kaya isinailalim ito sa imbestigasyon.

“Given ‘yung salary grade niya, if at all, it warrants na kami ay tingnan namin kung ito ba ay naakma sa kakayahan niya o sa kakayahan ng pamilya niya na magkaroon ng ganito kalaking deposits,” sabi ni Customs Assistant Commissioner Jet Maronilla.

Isa sa kahina-hinalang napansin ng mga imbestigador ay ang napakalaking perang pumasok sa account nito. Tulad na lang ng P2.5 million na nai-deposit at na-withdraw sa parehas na araw.

Nakikipag-ugnayan na ang BOC sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para tignan ang mga bank transactions ni Tiñana. Pinapa-imbistigahan na rin ng Customs sa National Bureau of Investigations (NBI) ang sekyu. Ipinapa-life style check din si Tiñana.

Nahaharap ngayon si Tiñana sa kasong administratibo at pinatawan ito ng tatlong buwang suspensiyon.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang abogado ni TIñana pero nagpakita ito ng written comment patungkol sa imbestigasyon ng customs.

Paliwanag ng kampo ni Tiñana, malaki daw ang suweldo ng asawa nito pero hindi ito basta-basta pinaniniwalaan ng mga imbestigador.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén